14.2.10

Love.

Minsan, gumagawa ng paraan ang buong mundo para isampal sa muka mo ang mga bagay na magpapagising sayo. Tulad ng mga ganitong bagay.
Akala ko wala na. Akala ko, kung ano na ung tingin ko sa sarili ko, ganun nadin ang tingin ng lahat sakin.

For the past few days, dahil sa haters sa formspring, dahil sa lahat ng mga nangyare sa paligid, feeling ko napakawalang kwenta kong tao seryoso. Parang wala kong nagagawang maganda sa mundo.

Parang ang walang kwenta kong kaibigan, ang walang kwenta kong studyante, ang walang kwenta kong tao. Ako na. @_@ Pero errr.

Di ko ineexpect na sa kinababa baba na ng tingin ko sa sarili ko, may mga tao parin pala na sobrang nagpapahalaga sakin.


"Miss ikaw yan kung tanggap ka ng tao, tao din yon kung di ka tanggap ng tao, hayop yun. Kapag kasama mo kami, wag ka mahiya kasi hinding hindi ka namin imimisjudge"

"Masyado ka kasing nag papadala sa sinasabi ng ibang tao. I mean, sa negative side. Sabihan ka ng ganito, kahit di mo ipakita sa iba, halata parin sayo. Kapag nasabihan ka ng ganito ganto, nag daramdam ka tas ang tagal mong dala dala yon. Diba?"

"Mabilis syang mapamahal sa mga tao. Alam mo ikaw? Pareho lang kau eh. Ang naiba lang sau lahat binibigyan mo ng oras ganu man sila karami."

"Kahit naman anong gawin mo, hindi magbabago tingin ko sayo eh."


Nakakaiyak. :)

Kasi sobrang di ko ineexpect. Feeling ko lahat ng tao inaantay akong gumawa ng bagay na ikakasira ko para ibato nila sakin isa isa lahat ng mali sa buhay ko. At kaya ako ganun kabilis maapektuhan, kase feeling ko sa lahat lahat ng taong papahalagahan ko, isang mali ko lang aalis din sila. Na parang napakahirap para sa kanila na tanggapin ako ng buong buo. PERO DUN AKO NAGKAKAMALI. Kasi hindi pala lahat ng tao ganun. :)

Meron paring mga tao na mas pinapahalagahan ka kesa sa maling mga gagawin mo. Na kahit ano pang maling gawin mo, tanggap ka nila kung ano ka pa. Imbis na talikuran ka nila, mas haharapin ka pa nila para palakasin ka.

Saludo po ako sa mga taong kagaya nyo.

Salamat. Salamat sa lahat ng pag-iintindi, sa pakikinig sa lahat ng mahahabang reklamo ko sa buhay. Sa lahat ng kaemohan ko. Salamat. :) Di ko alam kung pano ko kayo mababayadan o masusuklian lahat ng nagagawa nyo para saken, pero salamat.

Sobrang hindi ako magiging ako, kung wala kayo. Bukod kay God, wala ako sa kinakatayuan ko ngayon kung wala kayo. :)

Hindi ko man napapakita sa araw araw na nakakasama ko kayo, pero sobrang mahal ko kayo. ♥

:)

Isa kayo sa mga nagpapaalala sakin ng mga dahilan para mahalin ko rin naman ang sarili ko. :)


---
Amp naiiyak ako. :)))))

2 comments: