19.2.10

I'm back to where I started II

Andito nanaman ako. Di naman ako nawala kahit kelan eh. Ako parin to. :)

Pero hindi na nga lang katulad ng dati. Hindi na ko makikipaglaban.

Basta andito lang ako. Di ako aalis. Wala akong gagawin, wala akong sasabihin. Hindi mo man ako maramdaman, pero basta andito lang ako. :)

Gusto parin kita, pero hindi ko na ilalaban.

Kaya ko naman lumaban eh, alam mo yun? Pero wala ng nagbibigay sakin ng dahilan para lumaban. Kaya kong makipagsabayan sa kahit sinong dadating. Kaya kong makipagsabayan para mapatunayan ko lang na gusto kita. Para mapatunayan na di ako mawawala ng ganun ganun kagaya nila. Para mapatunayan na andito lang ako. Para mapatunayan na kahit lahat sila iwanan ka na, ako hindi talaga.

Pero sa paulit-ulit na nangyayare ang mga bagay bagay na pinapamuka saken na wala nang hope, siguro nga, it pauses here.

Pause? Bat pause?

Shempre, kasi andito padin ako. Di naman ako mawawala kahit kelan eh. :) Kahit pa maubos lahat ng taong naniniwala sayo, meron at meron parin isang matitira.

How many times do you have to meet the wrong giiiirrrrl. HAHA. Joke, feeling right girl? HAHAHAHAHA. Pero sige lang.

Tapos, pag dumating yung araw na nawalan ka na ng pag-asa tas feeling mo wala ka ng kakampi sa mundo, andito parin ako. Isa lang ako, pero full support naman akong andito para sayo. :)

Pag dumating yung time na mafefeel mo na wala ng natitira sayo, andito parin akoooo.
Di ko man masabi ng harap harapan, pero totoo.

No comments:

Post a Comment