14.6.09

Immaturity is consuming all of me.

Naiinis ako, seryoso. Naiinis ako sa lahat ng bagay. Naiinis ako sa araw na to. SOBRA. As in kanina ko pa gustong tumakbo. HAHAHA. Takbo? Eh. Tuwing naiinis ako gusto ko gawin yon. Tumakbo ng tumakbo hanggang mapagod ako, tas bibilis ng sooobra yung heartbeat mo tapos pag bumagal na, hindi ka na naiinis.

Kasooo. Wala kasi akong matatakbuhan dito eh. Meron man, yung street namin, kaso muka naman akong ewan nun. =))

HAHAHA.

Pero, seryoso, naiinis talaga ako. Umagang umaga pa lang. Hanggang ngayon, habang tinatype ko to, naiinis parin ako!! ARGGGGGGGGGGGGGHHHHHHHHHHHH. :((

Naiinis ako kasi ayaw akong tigilan ng immaturity ko. Alam ko, wala ako sa lugar para mainis, pero naiinis parin talaga ako!! Siguro, kasi tao lang rin ako. Pero, being human is not an excuse for letting your guard down. Gagamitin mo nalang ba palaging excuse yung "Sorry, tao lang" sa lahat ng kaanuhan mo?

Pumatay ka, "sorry, tao lang."
Nang-rape ka, "sorry, tao lang."
Nangholdup ka, "sorry, tao lang."

Ganon na lang ba yon? Dun na ba natatapos yon sa sorry tao lang?

Mas lalo ako naiinis. Kasi, honestly, I've let my guard down. Inaamin ko talaga. I'm becoming like everybody else. Parang, nawalan ako ng identity. Ganito ako, kasi ganito sila. Ganito ako, kasi magagalit sila. Tapos, paulit ulit kong ginagamit yung excuse na, "sorry, tao lang." Paulit ulit kong binibigyan ng dahilan lahat ng kapalpakan ko, kaya hindi ko mabago bago.

Hoy, lika nga dito. Suntukin mo nga ako nang magising ako. :

Maraming bagay akong nakakalimutan na, at naseset-aside.

Especially You. You who see the depths of my heart and still loves me the same. You, who placed each star in the universe, and yet, you still know them by name. You, who created the huuuge creation before you, from the smallest ant to the farthest galaxy, in just a blink of an eye. You who still have the heart to pay attention every single one of us, despite your greatness. You who loved me, us, first.

Ewan ko kung bakit pati Ikaw na-set aside ko. Immaturity. Pagod na ko, bukas nalang. Hanggang sa bukas ng bukas, hanggang sa wala na. Who am I to act this way.

I'm comming back to You. <3

No comments:

Post a Comment