24.9.09

Dito.

Para kanino nga ba ang sulat na to?

Dear you,

Nung umpisa, alam ko dahilan ko kung bat ako napunta dito. At naniniwala naman ako sa sarili ko. Alam ko na hindi lang ito nagkataon. Naniwala ako na dito talaga ako. Pero ba't ngayon, iba na talaga lahat. Hindi ko ginagawang big deal, pero kahit ilang beses ko ideny, nagkakaron talaga ako ng pakiramdam na ayoko na. Gusto ko na munang umalis dito.

Ewan. Kasi siguro,

UNA. Wala akong nabibigay. Sobrang hindi ako nagiging productive dito. Ewan ko kung bakit. Dahil sa mga tao? Dahil hindi ko gusto? Dahil hindi ito ang linya ko? Dahil hindi ako napapasok sa standards na meron siya? Dahil tamad ako? Pero, sa totoo wala rin naman akong ibang pwedeng sisihin kundi sarili ko eh.

PANGALAWA. Sa bawat pag-uusad, feeling ko naiiwan ako. Parang, wow, nagiimprove. Congrats ha. Pero congrats, hindi ako kasali don. Wala akong nagawang ikakaproud ko. Wala talaga. Feeling ko nakaangkas lang ako dito. Di ko alam kung dapat ko pa ba ituloy to eh.

PANGATLO. Sa bawat araw-araw na pinapaniwala ko sarili ko na kaya ko to, di ko to dapat sayangin. Napili ako, hindi ko to dapat sayangin. Hindi lahat ng tao nabibigyan ng ganitong chance.

PANGAPAT. (Medyo off, pero isa to sa mga dahilan) Gusto kong kumilos at mapatunayan sa sarili ko, na aangat ako at kaya kong tumayo, ng hindi gumagalaw sa shadow mo. Hindi ako nagmamayabang. :( Para kasing, gawin mo to gawin mo to, para magsucceed ka dito. Wag ganito, wag ganyan, dapat ganito, dapat ganyan. Parang, hindi ko na makita ang sarili ko. Parang, "kung ano ka, ganon lang dapat yung sayo. Wag mong pilitin baguhin yon dahil lang gusto mong mapasok sa standards ng iba"--sabi mo yan dati diba? Pero kung itutuloy ko, pakiramdam ko, papasok ako ng papasok sa standards mo. NA HINDI KO RIN NAMAN SINASABI NI MASAMA. Sobrang nakakabuti yon, sobra. :( Ang taas taas mo na. Ang layo na ng narating mo. Maraming tumitingala sayo, at isa na ako dun. Pero ayokong maging katulad na katulad mo. Gusto kong gumawa ng sarili kong dadaanan. Gusto kong maranasan yung naranasan mo. Na gumawa ng sariling pangalan. Sariling daan. Feeling ko mali yung nabibigay kong idea sa mga sinasabi ko. :( Pero, ewan ko.

Pero sobrang hindi ko alam kung gusto ko pa ba tumuloy dito. Gusto ko pa, kasi sayang. Pati, kung ito lang rin gugustuhin ko sa buhay, eh, malaking pagkakaiba kung itutuloy ko to, kesa hindi diba?

Pero ang problema, wala dun puso ko.
Parang, gagawin ko to, dahil sayang. Dahil maraming mawawala na chance pag binitawan ko to. Dahil sobrang madidisappoint kita, or at least, yun ang iniisip ko. Na parang, binigyan mo ako ng chance, pero ganito ang nangyayari.

DI KO ALAM. :(

Tama pa ba to? :(
Tutuloy pa ba ko dito?

No comments:

Post a Comment