29.7.09

Antukin

Hi. Hahaha! Medyo matagal din ako hindi nakapagblog, ewan tinamad ako e. HAHA. Pero dahil binasa ko yung mga blog ko dati, sinipag ako ulit magblog. Soooo. Wala lang. :))

Hmm. Simula na naman ng bagong chapter sa college life ko ngayong term. Bago nanaman sked ko. At medyo nahihirapan ako magudjust sa sched ko, kasi SOBRANG nakakapagod. o.o Orr, baka hindi lang kasi ako healthy, kaya napapagod ako lagi. Hahahaha!

Eh, kasi ba naman, uwian ko every T Th S, 7:30 PM. Eh ayaw ko pa naman ng gabi ung uwi T.T Basta madilim na talaga sa Mapua, feeling ko instantly pagod na ko. Parang, ay madilim na *ching* pagod na ko. Hahaha! Parang may switch yung body ko.

At dahil dun, naging antukin beybi ako. =)) Kung dati, ayaw ko matulog, ngayon, parang suuuper gusto ko na. Dati lagi mabilis ako bumangon, ngayon hindi na, kasi gusto ko pang ifeel yung kama ko. =)) Eee, ewan. Masarap matulog.

Kanina, natulog ako sa FX. Eh ampanget pa naman ng position ko sa FX kanina, kaya nakakairita yung pagtulog ko. Kainis! Hahaha! Tas yung babae sa tabi ko, super peacful matulog eh. Edi siya na. hahaha! Nainis e? :)) Eniweeeey. Pagkagising ko, bumaba ako ng Valley 2 (lugar sa may sucat yan) tas, pumunta na ako ng dentist. Pagdating ko dun, may patient pa si Doc, kaya umupo muna ako at. nagpicture? HAHA.

Sleepyhead -- kakagising ko lang muka akong bangag. =))

No comments:

Post a Comment